Botswana Free Press
SEE OTHER BRANDS

The top news stories from Botswana

Marcoleta's interpellation of PAGCOR Chairman Al Tengco

PHILIPPINES, August 14 - Press Release
August 14, 2025

Marcoleta's interpellation of PAGCOR Chairman Al Tengco

Senator Rodante D. Marcoleta (SRDM): Chairman Al, kanina sinasabi mo parang nabigla ka namang masyado, ah.

PAGCOR Chairman Al Tengco (CAT): Pasensya na po.

SRDM: Mas problematic sa iyo ang mga illegal sabi mo kanina. Ibig ba sabihin walang problema sa mga accredited mo at approved online gaming operators?

CAT: Siguro po ay babaguhin ko. Ang sinasabi ko, hindi perpekto din yung mga legal sites natin. Mayroon pong mga problemang naiingkwentro. Pero nagkakaroon po tayo ng isang mekanismo kung saan pwede mag-reklamo ang mga customer.

Samantalang doon sa legal, doon sa binanggit ko kanina Senator Marcoleta na halos kumulang sa 2,000 sulat buwan-buwan na natatanggap ng PAGCOR, 60% doon ay ang tinutukoy ay mga illegal na website.

SRDM: Ang sina-suggest namin, in coordination with DICT, kausapin po n'yo yung mga platforms na kung saan, sila ang nagpo-provide ng avenue for the online gaming operators to function. Halimbawa, Google, kausapin n'yo ang Amazon, kausapin nyo ang Twitter, Facebook. Doon lamang po, mare-regulate na po n'yo sila.

Lahat po ng illegal makikita n'yo sa pagkikipagtulungan ng worldwide platforms. Nasa web silang lahat para 'di tayo maligaw kung saan tayo... Kasi sabi n'yo kanina nagsilitaw ang mga ito, dumami nang dumami dito sa platforms na ito. Madali po silang mai-screen, yung mga illegal, hindi po ba...

CAT: Tama po kayo d'yan kaya po naiulat ko, kung mamarapatin niyo Sen. Marcoleta, ang DICT Secretary at CICC ASec o Usec na ang magpapaliwanag [kung] ano na po ang nagawa namin na mga hakbang...

SRDM: Naiintindihan naman po natin, para mapadali tayo, kayo po in coordination with DICT, CICC, kausapin po itong mga worldwide platforms na ito, madadali. Kasi kanina po nag shi-shift yung blame kasi sa e-wallet samantalang ang regulation po, kayo talaga eh.

Dapat nga po magpasalamat kayo sa BSP, mawalang galang na po, dahil sa ngayon nakahanap tayo ng isang solusyon na pansamantala, makatutulong po [laban] sa paglaganap nito, lalo na yung mga illegal na pwede pala nila, kahit paano na suspindihin ang link na tumutulay sa mga e-wallet para masagpo yung mga hindi mabuting nangyayari kagaya ng gustong mangyari na ipasinag mamaya rito.

Wala po kayong ano, gaya ng sinasabi ni Senator Pia kanina, mukhang wala kayong in-institute na KYC (Know Your Customer) measures sa mga inyong accredited and approved online gaming operators. Kasi kung meron yan, ang laki ng maitutulong, hindi basta-basta nakakapasok ang tao na gusto sumali sa ganitong industriya sapagkat alam naman natin, na very pernicious lalo na sa mga bata.

Samakatuwid, kulang na kulang po yung regulatory measures po na dapat sana ay nakatatag na d'yan. Para sa ganoon ang pag-uusap siguro natin konti na lang. Ngayon po parang nakikita natin na there is a complete breakdown of regulatory mechanisms.

Kaya tayo nag-shift sa e-wallet sapagkat yung BSP mukhang mayroon silang kara-karaka na measure na pwedeng ilatag, kagaya ng nangyari kanina.

Napagdiskitahan nga lang sila sapagkat nasabi pa niya 48 hours. Hindi ko naman alam na kaya palang gawin. Sinuggest ko lang, nagkataon lang po na pwede naman palang gawin.

Paano kung wala silang ganoon? Eh di samakatuwid we are all dependent on PAGCOR's regulatory mechanism na wala pala.

So paano n'yo po masasabi ngayon na makakapagtatag po tayo ng regulatory mechanism sapagkat ang direction ngayon complete ban?

Siguro kung complete ban mas maganda na po sa akin yan. Ngayon kung halimbawa pag-uusapan yung regulation, kung wala naman kayong masasabi na mekanismo para i-regulate natin sapagkat ang nakikita namin dumadami ang problema, yung technology mas mabilis pa sa regulation, papaano namin tatanggapin ang commitment n'yo sa amin na may kakayahan? Kasi kayo po yung regulator, yung charter nandito po.

Kayo ang regulator, wala nang iba. Patutulong lang kayo sa iba kung kaya kayong tulungan. So how can we make sure na kaya ng PAGCOR ang pagre-regulate?

CAT: Kung mamarapatin n'yo po, mayroon po talaga kaming KYC na binabanggit n'yo, yan po ay pinatutupad sa pangkasalukuyan.

Kaya lang tulad ng sinasabi ko, ay hindi naman perpekto ang KYC proseso. Kug minsan nagagamitan tayo ng fake na ID, na kung saan nakapaglalaro ang hindi dapat makapaglaro. Pero gusto ko pong ipaalam sa inyo at maaaring i-furnish ko din ng kopya ang committee, mayroon pong rules and regulations tayo sa lahat ng ating license operators.

SRDM: Baka ang sinasabi mo, Chairman Al, yung regulatory framework for the issuance of gaming licenses for the establishment of gaming [?], ito po ay November 22, 2023. Mayroon ka ring revised regulatory framework for the remote gaming platform, November 15, 2023, mayroon ding Memorandum Circular No. 6, September 20, 2016 galing sa Office of the President. Mayroon DILG Memorandum Circular 2018-25, February 2018. Mayroon ka ring Circular Letter No. CL 2021-012, February 6, 2021. Mayroon kang BSP Memorandum No. M-2018 002, 17 January 2018. Mayroon kang Republic Act 9487, ito ang PAGCOR charter.

Ito ba ang sinasabi mo na regulatory environment na pwede mong ilaban dito sa lumalaganap na, o papalaki nang salot na sinasabi ng Chairman kanina?

CAT: ...Kaya kung mapapansin n'yo, halos every quarter nire-rebisa po namin yan para magkaroon nga ng adjustments...

SRDM: Eh parang hindi po ganoon ang mangyayari, kaya lumitaw ngayon, ang tendency na nga o yung direction is total ban to online games. Kasi nga mukhang hindi nga nakikita na mayroon kayong kapasidad na magpatupad ng regulation.

Ako personal, ha Chairman Al, gusto kong maniwala sana sa inyo. Pero kung naaalala mo mayroon tayong naging pag-uusap tungkol sa ating constituents. Siguro tatlong taon na ang nakararaan. Nandoon pa ako sa kabilang house. Kung natatandaan mo pa?

CAT: Opo.

SRDM: Walang nangyari, hindi ba?

CAT: Hindi po, kami po'y nakikipag-ugnayan sa inyong tanggapan, mayroon na pong dalawang...

SRDM: Alam mo Chairman Al, nandoon po ako sa Congress, hindi po ako umalis doon hanggang noong ako po'y maging senador, kinalimutan ko na yung usapan natin.

Kaya ako gusto kong...talagang by nature gusto kong maniwala sa tao. Talagang dapat ganun, magtiwala tayo sa isa't isa. Pero pagka yung usapan, pinag-usapan pagkatapos walang mangyayari, kaya parang nagdududa ako sa bawat sagot mo, totoo kaya ito?

Pwede kayang maniwala ako o hindi? Kasi mayroon akong karanasan sa 'yo. Pasensya ka na kung dapat kong sabihin ito sapagkat ito importante lalo na itong tinatalagay natin ngayon.

CAT: Ah, naiintindihan ko po kayo. Ang totoo po, yung ating pinag-uusapan ay ipinatupad pa lang ngayong taon na ito, nagkaroon po ng mga delay sa pagbibili, sa procurement, pero ang maliwanag po Senator...

SRDM: Hindi ganun ang sinabi mo sa akin. Mayroon kang sinabing "within the next two weeks." That was three years ago. Malinaw ang aking memory...

CAT: Actually birthday po iyon ng isang kakilala natin, noong magkita tayo..

SRDM: Kaya nga. Pero may timeline yun, may time frame yun eh.

CAT: Nagkaroon po kasi ng problema sa procurement, ako po'y hihingi ng paumanhin sa inyo... sa kadahilanang kailangan po palang humingi pa ng isang clearance sa isa pang ahensya ng gobyerno. So nadelay po yun, naaalala ko po ay nagkaroon tayo ng follow up.

SRDM: Hindi kasi dapat tayo magtiwala na kapag sinabi natin ngayon, hindi pala natin alam na mayroon palang iba't iba pang factors na ikokonsidera.

Kagaya ngayon, nag-uusap usap tayo. Sasabihin mo sa amin mayroon tayong framework, may regulation, on my own personal basis, paano ako maniniwala na kaya mong ipundar lahat ito? Bakit hindi ako maniniwala na pwede total ban na lang kasi talagang hindi naman pwedeng regulation kasi nandiyan pa si Chairman Al eh.

Kung pwedeng palitan natin si Chairman Al, baka sakaling maniwala ako, magre regulate muna tayo. Yan po ang usapin dito.

CAT: Kaya kung ako naman po ay ginagalang ko ang inyong paniniwala pero gusto kong ipa-abot sa inyo...

SRDM: Hindi paniniwala yun, commitment nating dalawa eh. Kasi ako, nung sinabi mo yun, sinabi ko na rin doon sa constituents. So ako ngayon ang napahiya. Di bale na yun. Hindi ko naman pwedeng, kasi sinabi sa akin ni Chairman eh, hindi, ako na po, ako na po ang gumawa ng paraan, hindi lang po ako masisi ng mga tao.

CAT: Opo, ako po'y sa harap ng lahat ay humihingi ng paumanhin. Pero gusto ko lang ipaabot sa inyo na hindi ko personal kasalanan, nagkaroon ng intervening events, na-delay talaga at alam naman po ng lahat.

SRDM: Chairman karirinig ko lang po ngayon eh. Halos P200 milyon ang naibibigay mo sa mga ang ahensya ng gobyerno. Marami ito, binasa ko sa inyo kanina. Iba't ibang ahensya. Yung pinag-usapan natin, alam mo ba kung gaano lang ang halaga nun?

CAT: Nakakalaga po ng P4 milyon.

SRDM: Masisira ang pinag-usapan natin nang dahil doon lang? Gusto ko kasi Chairman yung pagtitiwala sa isa't isa. Mayroon kang position na kailangang pagtiwalaan ng ating mamamayan. Bawat sasabihin mo, maniniwala ang taong bayan. Doon lang magmumula ang pagtitiwala ng mamamayan sa mga may posisyon na kagaya mo.

Ngayon ang pinag-uusapan natin isang social issue. Di natin alam kung yung regulation is the better option o total ban. Di natin alam yung social cost will be outweighed by the benefits that your organization or iyong sektor na kinakatawan ay makatutulong talaga rito.

Ngayon ang pinag-uusapan natin ang kapasidad mo. Paano mo masasabing mapaninindigan mo ang pagre-regulate kung halimbawa, sa usapin lang na simple, huwag na yung sa akin. Sa iba't ibang panig ng ating lipunan na kinakatawan ng PAGCOR...

Kasi mamaya may magtatanong sa iyo. Halimbawa, sino-sino ba yung naapektuhan rito? Sino ang mga pamilyang na-biktima? Maaari nga maniniwala ako doon pero kilala mo na kung anong pangalan ng online game operator na yun? Na ginamit ng kung sino sa atin ang na-biktima, na maaaring ikinalungkot ng pamilya, pinagsisihan ang nangyari. Alam niyo ba kung sino-sino ang mga tao na may-ari ng online gaming? Alam niyo ba? Mayroon ba kayong listahan?

CAT: Mayroon pong listahan.

SRDM: So nasa legal po sya?

CAT: Nasa legal po, hindi ko po kasi alam kung sino po yung ipe-present na witness...

SRDM: Pero yung kinasangkutan, ano yung ginamit na platform? Alam n'yo kung sino-sino ang may-ari ng online gaming? Alam n'yo lahat?

CAT: Opo.

SRDM: O anong gagawin po n'yo?

CAT: Hindi ko po alam... madidinig natin sa hapong ito, tungkol doon sa reklamo...

SRDM: Kasi ganito po yun. Kailangang maipalitaw na kayo po ay may kakayahan as a regulator. Siguro wag na yung operator, as a regulator. Doon po nakasalalay kasi ang kapalaran ng napakaraming ahensya. Dito natin pag-uusapan, andoon na po yung benefit na ibinibigay n'yo, hindi naman po natin maikakaila yun. Kaya lang may social cost po, iyon ang ating titimbangin. Napakahirap sa panig naming mag desisyon, kung wala kaming tiwala sa kakayahan n'yo na i-regulate nga po ito eh. Ako bilang ako, hindi ko alam kung saan ako boboto ngayon. Kasi kailangan matatag ang paniwala namin, "o matatag ang regulator na yan." Baka sakaling doon na ako. Kasi napakaraming natutulungan, ngayon kung hindi ako naniniwala sa kakayahan ng regulatory mechanism mo, total ban na lang.

Wala. Mamili ka talaga. It may be a very hard choice pero doon ako pipili. So ngayon, paano ako magde-desisyon kung hindi ako maniniwala?

Kinakailangan tayong mag depende sa BSP, sapagkat sya ang may kakayahan na suspindihin ang e-wallet.

Sino ang mga e-wallet na yan? But I think they can live up to their own. Siguro they can sacrifice siguro yung online gaming. I'm not sure how many percent is the online gaming in the market of e-wallet.

Pero palagay ko kung sila-sila lang at siguro yung game operators na yan, pwede nilang itapon eh. Para sa akin. So napipilitan tayo ngayon na pumunta sa ibang aspeto sapagkat nagkulang kayo sa regulation.

Kaya sinasabi ko kanina, huwag nyong bubugbugin yung isang side na gustong tumulong. Sometimes you are barking off the wrong tree. Pero kayo pala yung dapat mag-punder ng regulation.

Yan lang ang gusto ko. Salamat po.

Legal Disclaimer:

EIN Presswire provides this news content "as is" without warranty of any kind. We do not accept any responsibility or liability for the accuracy, content, images, videos, licenses, completeness, legality, or reliability of the information contained in this article. If you have any complaints or copyright issues related to this article, kindly contact the author above.

Share us

on your social networks:
AGPs

Get the latest news on this topic.

SIGN UP FOR FREE TODAY

No Thanks

By signing to this email alert, you
agree to our Terms & Conditions